Pagtatalaga kay Deputy Director Gen. Ramon Apolinario bilang bagong PNP Chief, wala pang official order

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nilinaw ng Philippine National Police na wala pang opisyal na kautusan na nagtatalaga kay Police Deputy Director General Ramon Apolinario bilang susunod na pinuno ng PNP.

Sa harap na rin ito ng pagpapakilala ng ilang opisyal kay Apolinario bilang susunod na PNP Chief sa gitna ng isinagawang pagpupulong ng PNP National Advisory Council sa Cebu City.

Posible raw na biniro lang si Apolinario dahil kung susundin umano ang PNP hierarchy, maituturing na siyang no.1 candidate dahil hawak niya ang ikalawang position sa PNP bilang Deputy Chief for Administration.

Bukod dito, hindi rin naman daw lingid sa kaalaman ng lahat na kasama rin noon si Apolinario sa pinagpiliian ng Pangulo kasama si Gen. Dela Rosa at Pol Dir. Rene Aspera.

Sa January 21 na susunod na taon sasapit na si Gen. Dela Rosa sa kanyang ika 56 na kaarawan na siyang mandatory retirement age ng mga uniformed personnel.

Habang si Apolinario naman na miyembro ng PMA class 1985 ay nakatakdang magretiro sa August 2018.

Sa text message ni Gen. Apolinario, iginiit naman nito na wala pa ring siyang natatanggap na official announcement hinggil dito.

Sa ngayon nakafocus daw muna sya sa kanyang trabaho bilang No.2 man ng PNP.

“Hindi pa naman official yun. We are waiting for the official announcement so no comment muna ako. Ako’y magfofocus  pa rin sa trabaho ko as Deputy Chief For Administration ni Police Chief Director General “Bato” Dela Rosa. Kasi marami rin akong mga committees tsaka conferences na aatendan,” ayon kay Apolinario.

(Eagle News Service Mar Gabriel)

Related Post

This website uses cookies.