Pagtatapos ng Alternative Learning Systems (ALS) sa Olongapo City matagumpay na naisagawa

OLONGAPO City, Zambales (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang pagtatapos ng mga nagsipag-aral sa Alternative learning Systems (ALS) ng Department of Education ng buong Olongapo City noong Huwebes, August 25, 2016. Ito ay ginanap sa Rizal Triangle Multi-purpose Hall.

Pinagsama-sama ang lahat ng mga nag-aral ng iba’t ibang ALS Learning Center sa lungsod kabilang na ang nag-enroll sa New Era University (NEU). Umabot sa mahigit na 370 ALS Passers ang tumanggap ng diploma sa Elementary at ang karamihan ay sa Secondary.

Isa mga nakatapos ng pag-aaral ay si lola Dominga Fereros ng NEU na may edad 75 anyos. Bukod sa siya ang pinakamatanda sa nagtapos ay nakakuha pa ng puntos na napapaloob sa 99 percentile rank sa eksamen ng DepED.

DSC_0299

Makikita ang saya at tuwa ng mga nagsipagtapos lalo si lola Dominga nang tanggapin ang diploma kasabay ng pabati ng mga DepEd Officials.

Samantala, ipinaliwanag naman ni OIC Asst. School Division Superintendent Samson S. Buqueron sa mga ALS passers na maaari na silang pumasok sa Grade 7 para sa natapos ng Elementary habang ang mga nagtapos ng High School ay pwedeng mag-enroll sa Senior High School, College at sa TESDA sa susunod na pasukan upang ipagpatuloy ang pagtuklas nila ng kaalaman.

Courtesy: Rod de Leon – Olongapo City Correspondent

DSC_0183 DSC_0187 DSC_0188 DSC_0199 DSC_0208 DSC_0210 DSC_0237 DSC_0244 DSC_0245 DSC_0290