Sinimulan na ang pagtatayo ng bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Sta. Ana, lalawigan ng Cagayan, ito ay ang lokal ng San Vicente, na nasasakupan ng Distrito eklesiastiko ng Cagayan East Eas.
Maraming mga kapatid mula sa iba’t-ibang lokal sa naturang distrito ang nagsidating upang boluntaryong tumulong para sa gawaing ito ng Iglesia.
Bakas sa mukha ng mga kaanib ng INC na tumulong sa naturang gawain ang kasabikan na sila’y mabiyayaan o mapagkalooban ng isang bagong sambahan.
Gumawa din sila ng pansamantalang bahay sambahan upang dito isagawa ng mga kaanib sa dakong ito ang kanilang mga pagsamba hangga’t hindi pa natatapos ang ginagawang bago nilang Kapilya.
Inspirado sila na nagtulong-tulong para sa paggawa ng nasabing sambahan.
Eagle News Correspondent, Cagayan Erlita Tabucol