Pagtatayo ng mga barangay chapel, ipinagpapatuloy ng INC

Isa ang barangay Sibale sa labis na naaapektuhan ng bagyo Nona. Maraming ari-arian at mga tahanan ang nawasak, maging ang mga gusaling sambahan doon ay hindi pinatawad ng mapamuksang kalamidad.

Bilang katunayang ginugugol ng Iglesia Ni Cristo ang kanilang mga natipong handog sa pagtatayo ng mga gusaling sambahan. Isa ang barangay Sibale, lalawigan ng Mindoro Oriental sa mapapatayuan ng bagong gusaling sambahan.

Mahirap man at matrabaho ang paghahatid ng mga materyales doon sapagkat tawid-dagat ay hindi ito nakahadlang sa mga taga-Sibale. Buong kasabikan nilang sinalubong ang mga sasakyang naghatid ng mga materyales na gagamitin sa pagtatayo ng bagong barangay chapel.

Sa pangunguna ng District Minister na si kapatid na Norberto R. Fabalena at mga ministro ng INC sa lalawigan ng Occidental Mindoro ay ginabayan nila ang mga kinatawan ng INC engineering at INC construction workers sa paghahatid ng mga nasabing materyales.

Bagamat namamalagi pa ring sira ang tahanan ng mga kaanib ng INC sa barangay Sibale bunga ng nagdaang kalamidad ay labis-labis naman ang kanilang naging kagalakan sa biyayang kanilang natamo mula sa Panginoong Diyos kasalukuyang Pamamahala. Sa pangunguna ng kapatid na Eduardo V. Manalo.

(Agila Probinsya Correspondent Jun Canlas, Putch Delica)

Related Post

This website uses cookies.