By Jun Duruin
(Eagle News Service)
Clearing operations sa itatayong ecofarm ng Iglesia Ni Cristo sinimulan na
DOÑA Remedios Trinidad, Bulacan — Sinimulan na ang paglilinis sa itatayong ecofarm ng Iglesia Ni Cristo sa barangay Kalawakan, Dona Remedios Trinidad o DRT sa Bulacan kahapon, Pebrero 19.
Sa pangunguna ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Bulacan North na si kapatid na Bendito B. Sandoval at ng mga kabilang sa Society of Communicators and Networkers o SCAN International ay masayang nagtungo ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa nabanggit na dako upang isagawa ang paghahawan ng mga talahib at puno at maihanda ang lupa na tatanimaan ng gulay at iba pang halaman sa mga darating na araw.
Ang lupang pagtatayuan ng ecofarm ay may lawak na halos 1,000 ektarya ng lupa at matatagpuan sa may paanan ng bundok ng Sierra Madre.
Sa kabila ng maraming mga pag-intriga sa Iglesia Ni Cristo ay nagpapatuloy naman ito sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagtulong sa ating mga kababayan na makahanap ng paraan upang maitaguyod ang kanilang pamumuhay araw-araw.
Inaasahan na ang ecofarm na itatayo sa Bulacan ay makatutulong ng malaki sa marami nating kababayan lalo na sa mga darating pang panahon upang may mapagkunan ang ating mga kababayan ng kanilang maipantatawid sa pang araw-araw nilang pangangailangan.