Pagtuturo ng Aquaculture sa PHL, mas palalakasin

(Eagle News) — Pinaigting pa ng Senate Committee on Agriculture and Food at Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) ang pagtuturo ng Aquaculture.

Sa harap ito ng mga reklamo ng mga mangingisda na wala nang mahuling isda dahil sa santambak na basura lalo na sa Manila Bay.

Training ng mga mangingisda, libre – Sen. Villar

Ayon kay Senator Cynthia Villar, sa mga training ituturo ang tamang pagpapalaki ng isda at pagbebenta sa merkado.

Libre ang training sa mga mangingisda at kanilang pamilya sa mga farm school na accredited ng TESDA.
Malaking tulong aniya ito pa buhayin ang industriya ng pangingisda at tulungang umangat ang kabuhayan ng mga nakatira sa mga baybaying dagat.

Pag-aalaga ng hipon at iba pang shellfish, ituturo sa mga mangingisda

Ayon sa BFAR, bukod sa isda nagtuturo rin sila paano mag alaga ng hipon at iba pang shellfish
Hindi lang daw kasi sa Manila Bay limitado ang mga nahuhuling isda kundi sa iba pang mga karagatan kabilang na ang West Philippine Sea.

Sa ilalim ng kanilang programang balik sigla sa ilog at lawa, bukod sa training, bibigyan na rin ng farm input at mga fingerlings ang bawat pamilya para maibangon ang kanilang kabuhayan. (Meanne Corvera)

https://youtu.be/vSd0A-AaEpE