Palasyo may paalala kay Duterte sa ‘Shoot-to-kill Option’ vs Criminals

(Eagle News) — Pinaalalahanan  ng Malacañang si Incoming President Rodrigo Duterte na bilang Chief Executive ay dapat nitong ipatupad ang batas na patas at sa makatarungang pamamaraan.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos ang pahayag ni Duterte na ipatutupad ang “Shoot-to-kill Option” kung ang isang suspek ay tumangging magpaaresto o lumalaban sa otoridad.

Binigyang diin ni Communications Sec. Sonny Coloma na ang Commision on Human Rights o CHR ang may karapatan na itaguyod ang pagsunod sa batas at pagrespeto sa karapatang pantao bilang ahensyang binuo ng Konstitusyon.

 

 

 

 

 

This website uses cookies.