Palasyo tiniyak na nasa ‘best of health’ ang Pangulong Duterte

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Hindi na kailangan pang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang medical record.

Ito ang naging sagot ng palasyo sa hamon ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison sa Pangulo na ipaliwanag ang matagal na pagkawala ni Duterte na naging mitsa ng mga duda sa kalusugan nito.

Iginiit ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na transparent ang Pangulo sa kanyang kalusugan.

Sinabi pa ni Abella na patuloy namang idinideklara ng Pangulo na kontrolado nito ang kanyang sarili at kita naman aniyang nasa best of health ang Presidente.

https://www.youtube.com/watch?v=5o0YXMt0WPI&feature=youtu.be