Palawan, Visayas at Mindanao, apektado ng ITCZ

Photo courtesy of http://www1.pagasa.dost.gov.ph/

(Eagle News) — Magiging maulan ang panahon sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa inter-tropical convergence zone (ITCZ), ito ay ayon sa inilabas na advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and  Astronomical Services Administration (PAGASA).

Maulap na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Mimaropa, Bicol, ilang bahagi ng Visayas, hilagang bahagi ng Mindanao at Caraga.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers o thunderstorms naman ang magiging panahon.