Pamamahagi ng libreng bigas at medical mission isinagawa sa 6 na Barangay sa Western Samar

TARANGNAN, Western Samar (Eagle News) – Matagumpay na naisinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang medical mission at pamamahagi ng libreng bigas sa anim na Barangay ng Bayan ng Tarangnan, Western Samar.

Nakinabang ang mahigit 200 residente sa libreng check up at gamot. Mahigit sa 1,100 naman ang nabigyan ng tig-tatlong kilong bigas na mga residente.

Ayon kay Gng. Reahlina Cajefe, incharge ng nasabing aktibidad, ang programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan na pinangunahan ni Governor Sharee Ann Tan ay patuloy na isinasagawa sa bawat Bayan at mga Barangay na sakop ng lalawigan. Layon nito na maiabot sa mga mamamayan ang libreng serbisyo at tulong ng Pamahalaan lalo na sa mga kababayan na kiunakapos sa kanilang pangangilangan.

Nagpasalamat naman ang maraming residente sa pangunguna ng kanilang mga Brgy. Captain. Anila, malaking tulong sa kanila ang nasabing proyekto.

Amie Dulalia  at Randy Flor – EBC Correspondents, Tarangnan, Samar