Pamamaril sa mga abogado, ikinababahala ng IBP-Surigao del Norte Chapter

SURIGAO DEL NORTE (Eagle News) – Naglabas na ng official statement ang Integrated Bar of the Philippines-Surigao del Norte Chapter pagkatapos nang mga sunod-sunod na pamamaril sa mga abogado na nagresulta ng pagkatakot hindi lang sa kanilang sarili kundi para sa kani-kanilang pamilya.

Layunin na ipalabas ang kanilang nararamdaman sa mga naganap na pamamaril sa kanilang samahan kung saan isa sa kanila ay namatay at isa naman ay nasa pagamutan pa.

Nagwithdraw din ang kanilang samahan sa pagre-represent ng drug cases dahil sa sila ay napagkakamalan o napagbibintangan na mga drug coddlers at protector ng mga may kaso sa drugs.

Nanawagan ang grupo ng mga abogado sa Surigao na samahan sila sa gagawing motorcade at public rally na nakatakda ngayong darating na Pebrero 9 ng umaga at maikling programa sa Luneta Park ng lungsod.

Jabes Azarcon – EBC Correspondent, Surigao del Norte

Related Post

This website uses cookies.