MANILA, Philippines (Eagle News) — Nananawagan sa gobyerno ang pamilya ni Joanna Daniela Demafelis ng hustisya matapos na makita ito sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait noong nakaraang linggo.
Giit ng isa sa mga kapatid nito na si Joy Demafelis na hindi nila mapapalampas ang sinapit ng kanilang kapatid sa ibang bansa.
Samantala, iniimbestigahan na ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac ang maaaring naging kapabayaan ng Philippine Overseas Labor Office sa nasabing bansa.
Maliban pa rito, hinikayat din niya ang pamilya Demafelis na pumunta sa kanilang opisina upang mapag-usapan ito.
Na-delay naman ang pagpapauwi sa bangkay nito dahil sa autopsy.
Sa ngayon ay pinaghahanap na ng Interpol ang amo ni Demafelis at ang asawa nitong Syrian wife sa Lebanon.