QUEZON City, Philippines — Posibleng ideklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang onset ng dry o summer season sa bansa.
Ayon kay Anthony Lucero, chief ng Climate Monitoring and Prediction Section ng Pagasa, ramdam na ang mainit na panahon at lalo pa itong titindi sa mga susunod na araw dahil ang peak ng dry season sa bansa ay tuwing buwan ng Abril.
Nagpapalala rin aniya sa dry season ang epekto ng El Niño sa bansa.