(Eagle News) — Kinilala na ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nation ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa arbitration case sa United Nations arbitral tribunal sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay isa ang isyu ng West Philippines Sea mga naging agenda ng 49th ASEAN foreign ministers meeting dalawang araw na ang nakalilipas.
Katunayan sa nabuong “joint communique” nagkasundo aniya ang ASEAN members na isulong ang commitment para sa kapayapaan sa rehiyon.
Iginagalang aniya ng ASEAN members ang legal at “diplomatic process” batay sa prinsipyo ng international law at United Nations Convention on the Law Of The Sea(UNCLOS).
Mahigpit na tinututulan ng asean anumang pagbabanta o paggamit ng karahasan at magkaroon ng peaceful resolution sa isyu.
Sinusuportahan din n asean ang “Freedom of Navigation” sa loob labas at himpapawid na sakop ng South China Sea.
Pinabulaanan naman ni Yasay ang mga ulat na pinuwersa ng Pilipinas ang International community para suportahan sa merito ng kaso.
Ang ginawa raw ng Pilipinas ay hinikayat lang ang ASEAN na kinilala rin ang naging aksyon ng Pilipinas na dumulog sa arbitral tribunal para maresolba ang gusot sa agawan sa teritoryo gamit ang mga probisyon ng International law at UNCLOS.
Katunayan kung ang China ang nanalo sa kaso irerespeto ito ng Pilipinas at sana raw ganito rin ang maging hakbang ng China.
Nasa kamay na raw ngayon ng China at Pilipinas ang pagresolba sa isyu sa pamamagitan ng “bilateral talks”.
Kasabay nito, umapila ang Estados Unidos sa mga claimant countries na igalang ang desisyon ng tribunal.
Sa joint pressconference sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinimok rin ni US Secretary of State John Kerry ang Pilipinas, China at mga bansang nag aangkin ng West Philippines Sea na pumasok sa negotiating table.
Mahalaga aniya ang ang pag uusap para mapigilan ang anumang “confrontation” at paggamit ng dahas.
Umaasa aniya ang Estados Unidos na magkakaroon ng mapayapang “diplomatic process”.
Sa ngayon desidido aniya ang us na isulong ang Enhance Defense Cooeprration Agreement(EDCA) sa Pilipinas
Ito ay para palakasin ang magkabilang pwersa sa banta ng “international terrorist” at “humanitarian assistance” sa panahon ng kalamidad.