MANILA, Philippines (Eagle News) — Inupakan na ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang umano’y pananahimik ng Commission on Elections sa nangyaring dayaan sa katatapos na eleksyon.
Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Marcos na kahit digital na ang proseso ng eleksyon tila mas naging talamak ang bilihan ng boto.
Mas pinalala pa raw ang dayaan sa pamamagitan ng pakikiaalam sa hash code ng transparency server.
Sabi ni marcos nung una inakala nyang hindi totoo ang impormasyon pero napatunayang totoo nang mawala ang kaniyang lamang sa mga kalabang kandidato.
Mas lumala pa raw ito nang pakiaalaman ng Venezuelan bational na taga Smartmatic na si Marlon Garcia ang server.
Si Garcia aniya ang kinasuhan ng electoral sabotahe noong 2013 elections dahil rin sa kaparehong insidente.