Ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikiramay sa pagpanaw ni Senadora Miriam Defensor Santiago.
Sa statement, sinabi ng pangulo na ikinalulungkot niya ang pagpanaw ni Santiago na nag-iwan nang hindi matatawarang karera sa larangan ng serbisyo publiko.
Higit aniyang maaalala si Santiago bilang graftbuster na nag-a-almusal ng mga banta sa kaniyang buhay tuwing umaga kaya’t kinikilala rin bilang ‘Iron Lady’ ng Asya.
Sinabi ni Pangulong Duterte na bilang constitutionalist, kilala si Senadora Santiago bilang tagapagtaguyod ng Rule of Law.
Umaasa si Pangulong Duterte na ang pamanang iniwan ni Senadora Santiago ay magiging gabay ng bansa sa mga darating pang panahon.
Pres. Duterte’s statement on the passing of Sen. Miriam Santiago
“We express our deepest sorrow over the passing of Senator Miriam Defensor-Santiago.
Senator Santiago has left a sterling career in public office. She is best remembered as a graftbuster ‘eating death threats for breakfast” earning her the “Iron Lady” of Asia. A constitutionalist, she has always been an advocate for the Rule of Law.
Rest in peace, Madam Senator. May your legacy continue to guide this nation for many years to come.”