Pangasinan State University handang magkaloob ng scholarship grant sa 15,000 out-of-school youth

LINGAYEN, Pangasinan (Eagle News) – Nasa 15,000 na mga out-of-school youth at less privileged students ang nakahandang bigyan ng scholarship grant ng Pangasinan State University (PSU).

Kasunod ito ng panawagan ng Commission on Higher Education (CHED) na libreng edukasyon para sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa state universities.

Ayon kay PSU President, Dr. Dexter Buted, nasa Php 150 million ang alokasyon para sa programang ito ng CHED para ilibre ang matrikula ng mga papasok sa state universities and colleges.

Sa ngayon ay nasa 19 pa lamang na scholar ng CHED ang pumapasok sa PSU.

Makikipag-ugnayan umano ang PSU sa mga barangay at Department of Social Welfare and Development kung sino sinong mga mag-aaral o out-of-school youth ang mga nangangailangan ng libreng edukasyon para maka-avail sa nasabing programa.

Bibigyan umano ng pamunuan ng PSU ng prioridad ang mga nakatapos ng high school dahil kailangan nang makapag-enrol ang mga ito ngayong taon.

Kung sa susunod na taon pa maiisipang pumasok sa kolehiyo ng mga ito ay tiyak na covered na ito ng order na babalik ang mga ito sa senior high school.

Related Post

This website uses cookies.