TAPAZ, Capiz (Eagle News) – Naging matagumpay ang isang aktibidad pangkasiglahan ng Iglesia Ni Cristo sa Bayan ng Tapaz, Capiz na tinawag nilang “Tapaz Day”. Isinagawa ito noong Martes, November 1, 2016 sa Tapaz Civic Center. Ang maghapong aktibidad ay nadulot ng kasiyahan sa mga dumalong miyembro ng INC kasama ang mga umaanib pa lamang dito (sinusubok at doktrina).
Sinimulan nila ang programa sa ganap na 7:30 ng umaga sa pamamagitan ng Zumba. isinunod naman agad ang iba’t ibang parlor games, tulad ng:
- Chinese walk
- I-shoot mo!
- Sack race
- Tug-of-war
- Hitting the pot
- Kaya mo, kaya ko
Sabay sabay din nilang isinagawa ang pagkain ng panghalian. Pagkatapos ng pananaghalian ay isinagawa naman nila ang videoke singing at INC workshop.
Layunin ng nasabing aktibidad na lalong mapasigla ang mga miyembro ng INC. Bandang 4:00 ng hapon ay tinapos na nila ang programa sa pamamagitan ng isang sama-samang panalangin na pinangunahan ni Bro. Elias Angeles, ministro ng ebanghelyo.
(Emily G. Satunero – EBC Correspondent, Tapaz, Capiz)