Pangulong Aquino, inaasahan ang paliwanag ng SC kaugnay ng desisyon sa kaso ni Poe

(Eagle News )– Inaasahan ni Pangulong Benigno Aquino III na magpapaliwanag ang Korte Suprema kaugnay ng desisyon ng huli na pumapabor sa pagtakbo sa presidential election sa Mayo ni Senadora Grace Poe-Llamanzares.

Ambush interview kay Pangulong Benigno S. Aquino III pagkatapos ng change of command ng Philippine Air Force.

Matapos ang change of command sa liderato ng Philippine Air Force (PAF) na ginanap sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, sinabi ng pangulo na bagama’t kailangan pa niyang mabasa ang laman ng desisyon, pananagutan aniya ng Korte Suprema (Supreme Court) na linawin ang kanilang desisyon upang maalis ang anomang kuwestiyon sa kuwalipikasyon ni Poe sa halalang pampanguluhan.

Nais din ni Pangulong Aquino na linawin ng SC ang panuntunan ukol sa Filipino citizenship.

“Sana yung ating Korte Suprema, dito sa kanilang desisyon, ay magbibigay talaga ng todo kalinawan o paglilinaw sa sambayanan na in the role as educator as far as the law is concerned. Para maging klarong-klaro sa lahat ng ating mga mamamayan kung ano ba talaga ang mga alituntunin sa pagiging citizen o non-citizen ng ating bansa,” saad ni Aquino.

Matatandaang sa botong siyam kontra anim na mahistrado,  binaligtad ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Commission on Elections o Comelec na hindi kuwalipikado si Poe na tumakbong pangulo dahil sa isyu ng pagiging natural born Filipino at dahil sa kulang ng anim na buwan ang kanyang paninirahan sa bansa alinsunod sa constitutional requirements para sa isang presidential candidate.

Related Post

This website uses cookies.