(Eagle News) — Muling nagpatawag si Pangulong Benigno Aquino III ng pulong ng cabinet security cluster sa Malacañang.
Kabilang sa dumalo sina Executive Secretary Paquito Ochoa, mga kalihim ng Department of National Defense (DND), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DOJ) at mga kinatawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Philippines (PNP).
Napag-alamang tampok sa pinag-usapan sa meeting ang isyu ng West Philippine Sea at security situation sa Mindanao.
Matatandaang nananatiling bihag pa rin ng mga Abu Sayyaf Group (ASG) ang dalawang dayuhan at isang Pilipina habang nagpapatuloy pa ang military operations sa Lanao del Norte laban sa ilang lawless elements.
Nagbigay din ng deadline na June 13 ang ASG upang ibigay ang kanilang ransom demand kapalit ng isa hawak nilang bihag.