(Eagle News) — Bibisita sa bansang Israel si Pangulong Rodrigo Duterte sa Setyembre.
Siya ang magiging kauna-unahang lider ng Pilipinas na bibisita sa Israel.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, ang detalye sa Israel trip ng Pangulo ay isinasapinal pa.
Isa aniya sa layunin ng Pangulo sa pagbisita sa Israel ay ang paglalatag ng pangmatagalang solusyon sa problema sa iligal na droga.
Ayon pa kay Go, magkakaroon aniya ng joint official announcement ng petsa sa Setyembre sa magiging pagbisita ng Pangulo sa Israel.
Orihinal na naka-schedule ang pagbisita ng pangulo sa Israel noong Mayo 2017 pero hindi ito natuloy dahil sa nangyaring krisis sa Marawi.