Pangulong Duterte, binatikos si Trillanes sa pahayag nito ukol sa pagbaba ng bilang ng mga drug addict sa bansa

(Eagle News) — Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV sa pagkakaugnay ng public perception sa pagbaba ng bilang ng mga drug addict na bahagi ng kampanya ng gobyerno kontra droga.

Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa isang pagtitipon sa Davao City.

“Some critic, a senator, s****d Trillanes said there are no more [drug addicts] because they are dead and so? Are you not happy that I am doing it for you instead of you a military i***t?”

“You do not even know how to count. You kowtow to the figures of foreigners. You go to America, Trillanes,” pahayag ng Pangulo.

Pagbaba ng bilang ng mga drug addict sa mga komunidad, ikinasiya ng pamahalaan

Una rito, ikinatuwa ng Malakañang ang resulta ng December 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS) na nasa 66 percent ng mga Filipino ang naniniwala na bumaba ang bilang ng mga drug addict sa mga komunidad.

Pero ayon kay Trillanes, kaya bumaba ang bilang ng mga drug pusher ay dahil pinapatay ang mga ito nang walang due process at hindi isinasailalim sa rehab.

Kaya naman wala umanong dahilan para ipagdiwang ito ng administrasyong Duterte.

“Since libu-libo ang pinatay niyo na addicts without due process and without giving them the opportunity to be rehabilitated, ‘di ba natural lang na mababawasan ang addicts?” ayon kay Trillanes.

Sri Lanka, gagayahin ang war on drugs ng Duterte administration

Samantala, iginiit ng Pangulo na nangako si Sri Lankan President Maithripala Sirisena na gagayahin niya ang paraan ng pagsugpo nito sa iligal na droga.

“I knew the most basic sorrow and agony of the people is drugs. And we are not buffeted on both sides, we get a double whammy. The [Sinaloa] cartel of Mexico are expanding and the greed for money, easy money, dirty money, increases their appetite every day,” ayon sa Pangulo.

“If you look at the Philippines, your left side, your left hand is the west; your right hand is the east. On the western side, we have the golden triangle, also a well known drug cartel in Asia and doing now business in the East Asian countries, prompting even the prime minister of Sri Lanka say, ‘i will follow Duterte. I will kill the bastards,” dagdag nito.

“[It’s] good that he has a good, shining example…”

Bumisita sa bansa si President Sirisena noong nakaraang buwan kung saan pinuri nito ang war on drugs ng administrasyon Duterte.

Noong nakaraang taon, inanunsyo ni Sirisena na pinaplano nito na gayahin ang paraan ng pilipinas sa pagsugpo sa iligal na droga. (with a report from Vin Pascua)