MANILA, Philippines (Eagle News) — Sisimulan na ngayong araw ang unang foreign trip ngayong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Umalis patungong Hainan Province, China ang Pangulo para dumalo sa “Boao forum for Asia” na dadaluhan din ng ibang world leaders.
Ito na ang magiging ikatlong pagbisita ng Pangulo sa China matapos ang kanyang pulong kay Chinese President Xi Jinping noong October 2016.
Layunin nito na patatagin at palalimin ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Matapos nito ay magtutungo naman sa Hong Kong ang punong ehekutibo upang makipagkita sa Filipino community.
Samantala, nakatakda ring dumalo si Pangulong Duterte sa 32nd Association of Southeast Asian Nations Summit sa Singapore simula Abril 25 hanggang 28.