(Eagle News) — Bukas umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad ng pag-amyenda sa bagong lagdang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay kung may mga reklamo ang iba’t-ibang sektor kaunay sa pagpasa sa batas.
“Nothing is perfect. Of course the BOL as signed into law is a result of compromise. So all that the president was saying is if you have specific complaints, we are open to discuss these complaints with the view of possibly amending further the law,” ayon kay Roque.
Una nang nilagdaan ng Pangulo nito lamang nakalipas na linggo ang BOL.
Nitong Biyernes nagtungo ang pangulo sa Jolo, Sulu kung saan ipinaikusap nito na bigyang nila ng pagkakataon ang nasabing batas.
Nanawagan rin ito sa mga miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf na lumahok sa negotiating table.