Pangulong Duterte, dadalaw sa burol ni Joanna Demafelis sa Sara, Iloilo

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakatakdang dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng namatay na overseas Filipino Worker (OFW) na si Joanna Demafelis sa Sara, Iloilo ngayong Linggo.

Kinumpirma ito mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pero hindi pa inihayag kung kailan ang eksaktong petsa.

Gayunman, tiniyak ni Roque na magbibigay ng financial at burial assistance ang gobyerno sa pamilya ni Joanna.

Nitong Biyernes, Pebrero 16, dumating sa bansa ang labi ni Demafelis na agad ibinyahe patungong Sara, Iloilo.

Ang kaso ni Demafelis ay isa lamang sa mga naitalang kaso ng pang-aabuso sa mga OFW na nagtulak kay Pangulong Duterte na ipatupad ang total deployment ban sa mga mangagawang Pinoy sa Kuwait. Vic Somintac