(Eagle News) — Personal na magtutungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Rise.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pangungunahan ng Pangulo ang paggunita sa unang anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan ng Philippine Rise mula sa dating Benham Rise.
Ayon kay Roque, kasabay ng unang anibersaryo ng pagpa-pangalan sa Philippine Rise sa ilalim ng Executive Order Number 25, normal ding ilulunsad ng Pangulo ang pagsasagawa ng scientific research sa lugar.
Dalawang araw mananatili ang Pangulo sa Philippine Rise simula Mayo 15-16.
“The President will be commemorating the renaming of Benham Rise to Philippine Rise. It will also to launched the scientific research of 50 scientist,” ayon kay Roque.
Makakasama ng Pangulo ang 50 Filipino marine scientists na magsasagawa ng exploration at pag-aaral sa Benham Rise.
Matatandaang patuloy na iginigiit ng pangulo na tanging ang mga Filipino lamang ang may karapatan na mag explore at mag- exploit sa mga yaman sa nasabing undersea plateau at tanging right to innocent passage lamang ang karapatan ng mga foreigner.
Una nang nag-deploy ang Pangulo ng marine battalion para magbigay ng seguridad soberenya ng Pilipinas.
Ang 13-million hectare undersea plateau na matatagpuan malapit sa probinsya ng aurora province ay pasok sa ’ 200-nautical-mile exclusive economic zone na kinikilala ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLOS) noong 2012.
Ang nasabing lugar ay pinaniniwalaang sagana sa gas, minerals at iba pang yamang dagat.