(Eagle News) — Personal na ikinampanya at sinuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labing isang kandidatong senador sa ilalim ng grupong Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at iba pa sa isinagawang kick-off rally ng grupo sa Sapang Palay, Bulacan.
Kabilang sa kanyang mga ineendorsong kandidato ay sina Maguindanao Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu, dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Koko Pimentel, dating Special Assistant to the President Bong Go, at dating Presidential Adviser Francis Tolentino.
Pinuri ng Pangulo ang bawat isa sa kanila at inilahad din nito kung bakit tumakbo ang mga ito sa pagkasenador.
Binansagan naman ng pangulo na tax expert si Sen. Sonny Angara, progressive lawmaker si Pia Cayetano, at si JV Ejercito na mga guest candidates.
Bagamat di nabanggit sa kanyang talumpati ay nilinaw ng Pangulo na kanya pa ding sinusuportahan ang singer na si Freddie Aguilar.
Paglilinaw ng Pangulo sa kanya na ang mga kandidato na kung saan kabilang sa senatorial slate na PDP-Laban at anim na guest candidates ang kaniyang susuportahan.
Sa usapin naman patungkol sa kanyang anak na si Mayor Sarah Duterte sa pag-eendorso nito ng sariling kandidato ay kanya itong nirerespeto, pero nilinaw ng Pangulo na hindi lahat ng ito ay kanyang susuportahan.
Kung sakali na tatakbong Pangulo sa susunod na halalan naman si Manny Villar ay kanya naman din itong susuportahan.