(Eagle News) — Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng residential area sa Boracay Island.
Ayon sa Pangulo, gagawin niya ang Boracay na agricultural land, isasailalim sa land reform at ipamamahagi sa mga magsasaka.
Sa ngayon, kailangan pa niyang makita ang dokumento kung ang isla ay isang commercial at residential area.
Ipinauubaya naman ng Pangulo sa Kongreso ang pagpapasya kung magtitira ng bahagi sa Boracay para gawing commercial area.