Pangulong Duterte hindi takot ma-impeach

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ma-impeach dahil lamang sa ipinatupad  na  all-out-war kontra  iligal na droga.

Ayon sa pangulo, handa niyang itaya ang  kanyang posisyon, dangal at buhay kung  ang  kukwestiyunin ay ang pinaigting  nitong  kampanya  laban sa  illegal drug  trade  sa bansa.

Binigyang-diin ng pangulo na wala  siyang  ilusyon dahil sa una pa lang  ay  ayaw  niyang  tumakbo sa  pagka-pangulo, subalit nagsalita  na ang taumbayan kaya haharapin niya ang  responsibilidad na iniatang sa  kanya.

Ang tanging hiling  lamang  ng  pangulo ay tulungan siya para matapos na ang  problemang  sumisira sa mamamayan at sa  bansa.