MANILA, Philippines (Eagle News) — Naniniwala ang isang kongresista na malabong ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa alegasyon na utak ito ng tinaguriang Davao Death Squad.
Paliwanag ni Angkla Rep. Joselito Manalo na isa ring abogado, kung may katotohanan ang sinasabing umano’y krimen ni Pangulong Duterte nangyari naman ito noong alkalde pa lang siya ng Davao City. Dahil dito, hindi aniya ito maaaring maging basehan ng isang impeachment complaint.
Ang pahayag ni Manalo ay kasunod ng public confession ni SPO3 Arturo Lascañas na umano’y lider ng Davao Death Squad.
Para kay Manalo ang impeachment complaint laban sa Pangulong Duterte dahil sa isyu ng DDS ay magiging isang pag aaksaya lang ng panahon dahil sa kawalan ng basehan.
Eagle News Service