MANILA, Philippines (Eagle News) — Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ito ay matapos na maipaabot sa Pangulo ang patuloy pa ring pagkontra ng ilang grupo sa TRAIN law na nagdulot ng pagtaas ng presyo sa ilang pangunahing bilihin.
Sinabi ng Pangulo na huwag na lamang magbayad ng buwis ang mga taong tutol sa pag-iral ng train.
Ngunit dapat aniyang maging handa sakaling habulin naman sila ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
“If you don’t like TRAIN, then don’t pay. It’s simple. You’re against the taxes? Do not pay,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang ilang miyembro ng minority bloc sa kamara para harangin ang pagpapatupad ng TRAIN law.
“Do not blame me if the BIR also will go after you. As simple as that,” dagdag pahayag nito.