Pangulong Duterte, muling nagbabala sa mga pulis na nasasangkot sa iligal na droga

(Eagle NewS) — Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na may kaugnayan sa aktibidad ng iligal na droga.

Sa talumpati ng Pangulo sa isang pagtitipon sa Pasay City, iginiit ng Pangulo na ‘di sya magdadalawang isip na tanggalin sa serbisyo ang mga scalawag sa Philippine National Police.

“Huwag kayong pumasok diyan sa droga, ‘yang mga murder-for-hire, kasi ipa-project ko rin kayo,” ayon sa Pangulo.

“You can be very sure there will be a project for you and really that is to neutralize or terminate you. Kung hindi ko ganunin, walang mangyari sa ating bayan at this time when we are all bombarded with drugs, nobody seems to obey the law,” dagdag pahayag ng Pangulo.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod lamang ng pagkakapaslang sa isang pulis at pagkaka-aresto sa tatlong iba pa sa Taguig City dahil sa pagkakaugnay sa kidnap-extortion.

Una nang ipinangako ng Pangulo na magpapatuloy ang anti-narcotics drive ng gobyerno katulad nang sinimulan ito noong Hulyo 2016.

Related Post

This website uses cookies.