(Eagle News) — Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas at sa transition group na gumawa ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkahiwalay na kinausap ni Pangulong Duterte sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Pantaleon Alvarez at ang Bangsamoro Transition Commission para sa pagtalakay sa proposed measure.
Gayunman, hindi na idinetalye ni Roque ang napag-usapan sa nasabing mga pulong.
Kasunod ito ng paghimok ng mga mambabatas na sertipikahang urgent ang panukala.