Pangulong Duterte sa Kuwait, Mideast Nations: “Treat my countrymen as human beings”

MANILA, Philippines (Eagle News) — Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Kuwait at iba pang bansa sa gitnang silangan na tratuhin sa makataong pamamaraan ang mga mangagawang Pilipino, sa harap ito ng mga ulat na pang-aabuso na nagreresulta sa kamatayan.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pre-departure speech patungong India sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Miyerkules, ika-24 ng Enero.

Nitong nakaraang linggo, sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait dahil sa pagkamatay ng pitong OFWs sa nasabing bansa.

Kasunod ito ng panawagan din ng Pangulo na pagba-ban ng deployment ng mga Pilipino sa nasabing bansa dahil sa pagmamaltrato.

Ang nasabing deployment ban ay ikinagulat naman ng Kuwaiti Government na nagpahayag ng kahandaan ng pakikipag-usap sa mga opisyal ng bansa para mapag-aralan ang mga hinaing ng mga mangagawang Pilipino.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nagsasagawa na ng review ang Government Inter-Agency Group sa labor policy ng Kuwait para matukoy kung kailangan ng gawing pamalagian ang pag-ban sa nasabing bansa.

Ang bansang Kuwait ang isa sa pinaka-pangunahing destinasyon ng mga Pilipinong sa gitnang Silangan kung saan naroon ang 250,000 mga Pilipino. Karamihan sa kaniya ay naglilingkod bilang mga kasambahay.

Ang Pilipinas ang pinaka-malaking exporter sa buong mundo sa usapin ng labor force kabilang na ang household workers.

Ang mga natatanggap na remittance mula sa mga ito ang nagtataguyod sa ekonomiya ng Pilipinas na mayroong mahigit $2 billion-dollars taun- taon.

Related Post

This website uses cookies.