Pangulong Duterte, tinangkang suhulan – Malacañang

MANILA, Philippine (Eagle News) — Kinumpirma ng Malacañang na mayroong nagtangkang suhulan si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa isang kumpanya ng sigarilyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na mismong si Pangulong Duterte ang nagkuwento sa pinakahuling Cabinet Meeting sa Malacañang.

Hindi naman tinukoy ni Abella kung ang nagtangkang manuhol sa Pangulo sa pamamagitan ng mga mambabatas mula sa Mindanao ay ang Mighty Corporation na nasangkot sa umanoy paggamit ng pekeng tax stamp.

Ayon kay Abella, iniimbestigahan na ito ng Department of Justice at National Bureau Of Investigation kaya mas mabuting hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon.