Pangulong Duterte, tiwala pa rin kay Communications Sec. Andanar – SAP Bong Go

(Eagle News) — Nananatili pa rin umano ang pagtitiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Communications Secretary Martin Andanar.

Ito’y sa kabila na rin ng mga balitang papalitan umano si Andanar ng brodkaster na si Jay Sonza.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, walang katotohanan ang impormasyong papalitan si Andanar.

Marami na aniyang nagawang reporma si Andanar para mapaunlad ang mga himpilan ng radyo at telebisyon ng pamahalaan.

Una nang itinanggi ni Sonza na nais niyang pamunuan ang Presidential Communication Operations Office.

Nasa diskresyon naman daw ng Pangulo kung pananatilihin nito sa pwesto si Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ito’y sa kabila na rin ng mismong kahilingan ng ilang opisyal ng PCOO na tanggalin na sa posisyon si Uson bunsod na rin ng mga kontrobersyang kinasangkutan nito.

Related Post

This website uses cookies.