MANILA, Philippines (Eagle News) – Kinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa China para isulong ang bilateral talks sa overlapping claims sa South China Sea at ruling ng Arbitral Court na pumabor sa Pilipinas. Sinabi ng Pangulo na nais niyang isagawa ang bilateral talks sa China bago matapos ang 2016.
Ayon sa Pangulo, kailangang talakayin ng Pilipinas at China ang arbitration ruling. Naatasan na rin ng Pangulo ang Special Envoy sa China na si dating Pangulong Fidel Ramos na isulong ang fishing rights ng bansa sa South China o West Philippines Sea.
Ang promosyon ng fishing cooperation ay nakasaad sa joint statement na inisyu ni Ramos at kaniyang kaibigan sa Hong Kong na sina Foreign Affairs Committee of the National People’s Congress Chairperson Fu Ying at China’s National Institute for South China Sea Studies President Professor Wu Shicun matapos ang kanilang informal talks upang bigyang daan ang pormal na talakayan ng dalawang bansa.
Courtesy: Jet Hilario