(Eagle News) — Posibleng magpatupad ng bagong oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Batay ito sa unang tatlong araw ng trading sa pandaigdigang merkado.
Dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, pinag-aaralan na ng Malacañang ang posibilidad na umangkat ng langis sa Estados Unidos o Russia o mga bansang hindi miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mura ang presyo ng oil products sa mga bansang hindi miyembro ng OPEC.
Samantala, batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE), may ilang gasolinahan na sa Metro Manila na nagbebenta ng 62 pesos sa kada litro ng gasolina, habang naglalaro sa P40 hanggang P46 ang diesel.