Panibagong ‘gas deposit’, nadiskubre sa Agusan Del Norte

(Eagle News) — Viral online ang videong kuha ng isang netizen kung saan makikita ang ‘natural gas deposit’ sa tabi ng pampang.

Ayon sa mga residente, pasado alas-onse ng tanghali nang magsimulang sumirit ang natagpuang natural gas deposit , na kanilang natuklasang  ilang metro lamang ang layo mula sa ilog.

Dagdag pa nila, sa lakas umano ng pressure ay bumubulwak na rin ito ng magkahalong putik at bato.

Samantala, nagsimula na rin itong sumirit sa iba pang parte ng ilog, ilang oras umano matapos ang pangyayari ay nagsimula nang makalanghap ang mga residente ng amoy gasolina..

Upang mapatunayan na isa itong natural gas deposit ay kanila pa itong sinilaban at umapoy nga ang nasabing gas deposit..

Pinag-aaralan na ito ng Department Of Energy (DOE).