BONTOC, Mountain Province — Dahil sa walang tigil na pag-ulan, nagkaroon na naman ng landslide sa bahagi ng Alab hanggang Gonogon section sa Bontoc, Mountain Province.
Sa ngayon, sarado ang nasabing section ng Bontoc at asahang matatagalan ang pagbu-bukas dahil sa laki ng slide.
Inaabangan pa ang heavy equipment mula sa Department of Public Works and Highways para isagawa ang clearing operation.
Wala namang nai-ulat na nasaktan sa insidente.