(Eagle News) — Ipinatupad ngayong araw, Hunyo 19, ang panibagong dagdag-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Tataas ng 20 sentimo kada litro ang halaga ng gasolina, habang 45 sentimo naman ang itataas sa presyo ng bawat litro ng diesel at kerosene o gaas.
Kabilang sa mga nag-anunsyo na magpapatupad ng naturang oil price hike ay ang Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, Pilipinas Shell, PTT, Seaoil at Total na epektibo kaninang alas-6 ng umaga.
Ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ay ginawa matapos ang dalawang linggong rollback.
Ayon sa Department of Energy (DOE) ito ay bunsod ng patuloy na malikot na galaw ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.