Panibagong stratehiya vs illegal drugs, iminungkahi

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kailangan na raw magpalit ng stratehiya ang gobyerno kaugnay sa laban nito sa iligal na droga. Ito’y matapos lumabas sa SWS survey na walo sa sampung pinoy ang nangangamba na maging biktima ng extra judicial killings.

Giit ni Akbayan Representative Tom Villarin, mabigat na mensahe sa Pangulo ang resulta ng survey at dapat agad na ihinto ang ipinatutupad na patakaran.

Para naman kay Bayan Muna Representative Carlos  Zarate, mawawalan ng kredibilidad ang war on drugs ng Duterte Administration kung patuloy na hindi masosolusyunan ang extra judicial killings.

Hindi aniya nakakapagtaka na mangamba ang mga Pinoy lalo’t araw-araw na nababalitaan ang kaliwa’t-kanang patayan.

Related Post

This website uses cookies.