(Eagle News) –Dahil sa mas pinaigting na military operation ng Joint Task Group South, panibagong set ng war materials mula sa grupong New People’s Army ang narecover ng militar mula sa bayan ng Rizal, Palawan.
Dalawang M16 rifle, tatlong gauge shotgun, ammos, IED components, mga damit at gamot ang narecover ng 18th Special Forces Company ng Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng Sitio Arib Barangay Culasian, Rizal, Palawan.
Nadiskubre naman ng 24 Marine Company sa Sitio Marinsyawon Brgy. Bono-Bono, Bataraza, Palawan ang 13 piraso ng mga aklat ng CPP-NPA- NDF sa tulong na din ng mga residente sa naturang bayan.
Ayon sa Western Command, umaabot na sa 26 na firearms, fully assembled IED’s at mataas na bilang ng ammunitions ang narecover ng military sa pagpasok ng 2nd quarter nitong taon.
Tuluy-tuloy naman umano ang isasagawang focused military operation maging ang Civil Military Operation sa lalawigan ayon kay Wescom Commander Lt. Galileo Kintanar Jr., ito ay upang tuluyan ng lumpuhin ang operasyon ng mga komunistang grupo at tuloy-tuloy na ang maging progreso ng mga bayan sa lalawigan.
(Eagle News Correspondent Anne Ramos)