Paninigarilyo, isa sa mga sanhi ng cancer – DOH

ZABOANGA SIBUGAY (Eagle News) – Nagsagawa ng media forum ang Department of Health (DOH) sa kasagsagan ng National Cancer Consciousness Week sa Ipil, Zamboanga Sibugay. Ito ay upang maipalaganap ang kaalaman tungkol sa sakit na cancer at kung papaano ito maiiwasan. Layunin ng DOH na maging katuwang ang media  sa pagbibigay sa publiko ng tamang impormasyon tungkol sa sakit na ito.

Sa presentasyon ng DOH na inilahad ni Romelia Heraldo, DMO IV – DOH Sibugay, sinasabing ang lifestyle ng tao ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sakit na cancer. Kabilang sa mga may malaking risk factor ng pagkakaroon nito ay ang paninigarilyo at paggamit ng tabako, pagkakaroon ng impeksyon, madalas na exposure sa radiation, at paggamit ng immunosuppressive medicines. Kabilang rin sa mga may risk factor ang pagdi-diet, ang madalas na pag-inom ng alcohol, walang physical activity, obesity, at pagkakaroon ng diabetes.

Ayon pa kay Heraldo, ang paninigarilyo ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng acute myelogenous leukemia (AML), bladder cancer, esophageal cancer, kidney cancer, lung cancer, oral cavity cancer, pancreatic cancer, at stomach cancer.

Inirerekomenda naman ng DOH sa mga naninigarilyo ang paghinto ng paninigarilyo at pananabako. Ito ang pangalawa sa inirerekomenda ng DOH sa kanilang 7 Healthy Lifestyle Tips. Kasama sa mga nasabing tips ang pag-iwas sa hypertension, ang hindi pag-inom ng alcohol, ang pag-iwas sa iligal na droga, pagkain ng mababa sa salt and fat content at mataas ang fiber diet, ang pagkikikilos o pagkakaroon ng physical activity at exercise, at ang pagma-manage ng stress.

Jen Alicante – EBC correspondent, Zamboanga Sibugay

Related Post

This website uses cookies.