Panukalang emergency powers, tatalakayin ng Kongreso sa Pebrero

(Eagle News) — Inaasahang tatalakayin ng Kongreso sa Pebrero ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang matinding trapiko.

Ayon kay Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, maraming mga tinukoy na proyekto na nasa ilalim ng emergency measures na hindi pa kasama sa 2017 budget ang pondo.

Maaari aniya na sa pamamagitan ng supplemental budget ay mapondohan ang mga nasabing proyekto.

Kabilang sa emergency powers ang detalye sa bawat priority projects na tinukyo ng Department of Transportation o ang lilikhaing tanggapan na magpapatupad sa nasabing batas.

Related Post

This website uses cookies.