Panukalang itaas ang retirement age ng mga sundalo at pulis, isinusulong na sertipikahang urgent sa Kamara

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Hiniling ni House Minority Floor Leader at Quezon Representative Danilo Suarez sa liderato ng Kamara na sertipikahang urgent ang panukalang itaas ang retirement age para sa mga sundalo at pulis.

Giit ni Suarez, mahihirapan ang mga nagretiro na maghanap muli ng bagong trabaho dahil mayroon na itong nakasanayang buhay noong sila’y nasa serbisyo pa.

Binigyang diin pa ni Suarez na makatutulong din sa pamahalaan ang pagtataas ng retirement age dahil sa mababawasan din ang ibibigay na pensyon sa mga retirado.

Sa ilalim ng isinusulong na panukala ni Suarez, itataas ng hanggang 60 taong gulang ang retirement age para sa mga nasa unipormadong hanay mula sa kasalukuyang 56 na taon.

 

Related Post

This website uses cookies.