PAO, tutol sa rekomendasyon ng DOH na bumuo ng investigating panel na mag-iimbestiga sa isyu ng Dengvaxia

(Eagle News) — Hindi pabor ang Public Attorney’s Office sa inilatag na plano ng health department  na bumuo ng investigating panel mula sa mga eksperto sa ibang bansa upang tignan ang mga isyu sa Dengvaxia vaccine.

Paliwanag ni PAO Chief Atty Percida Acosta, rekomendasyon ng Department of Health ang naturang pagbuo ng panel, na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero karapatan aniya ng Pangulo kung itutuloy ang naturang rekomendasyon ng DOH o hindi.

Nangangamba naman ang ilang mga magulang na ang mabubuong 3-man panel sa hindi patas na imbestigasyon dahil mula ito sa rekomendasyon ng DOH.

Papayag lang aniya sila kung isasama ang forensic team ng PAO.

Gayunpaman tila huli na sabi ni Atty. Acosta para alamin ang totoong epekto ng Dengvaxia sa mga nabakunahan.

Noong taong 2015 pa aniya sinabi na ng Sanofi Pasteur na may apat na epekto ang bakuna laban sa dengue na maaaring ikamatay ng mga mababakunahan.

Paliwanag ng PAO napatunayan na ng kanilang forensic team kung ano ang cause of death ng mga batang namatay.Erwin Temperante