(Eagle News) — Nasaksihan sa bansa ang bahagyang pagdidilim ng buwan kahapon ng madaling araw, Agosto 8.
Nangyari ang partial lunar eclipse dakong ala-una bente dos ng madaling araw hanggang alas-kwatro ng umaga.
Ayon kay Dario Dela Cruz ng Space Science and Astronomy Section ng Philippine Atmospheric Geophysical And Astronomical Services Administration (PAG-ASA), ang partial lunar eclipse ang natatanging eclipse na nasilayan sa Pilipinas ngayong taon.
Natunghayan din ito sa Western Pacific Ocean, Oceania, Australia, Asya, Africa, Europe, at dulong silangan ng Eastern South America.
Samantala, magaganap naman ang total eclipse sa Agosto 21 hanggang 22, ngunit hindi ito makikita sa Pilipinas, kundi sa ilang bahagi lamang ng Amerika.