Partido ni Senator Miriam Santiago na People’s Reform Party, nakalagay na sa balota

Miriam Defensor Santiago files her COC for president under the People’s Reform Party (Photo courtesy of http://all-about-juan.info/) (Photo courtesy of http://all-about-juan.info/)

By Aily Millo
(Eagle News Service)

MANILA, Philippines — Nagtungo sa tanggapan ng National Printing Office (NPO) ang isa sa mga abugado ni presidential aspirant Senador Miriam Defensor Santiago.

Ayon kay Atty. Abel Maglangue, inatasan siya ni Senador Santiago para inspeksyunin ang balotang iniimprenta ng NPO na gagamitin sa 2016 elections.

Una na kasing napansin ng kampo ni Senador Santiago na wala sa unang batch ng inimprentang opisyal na balota ng COMELEC ang partido nito na People’s Reform Party (PRP).

Ipinakita naman ng tauhan ng NPO kay Atty. Maglangue ang isang sample sa opisyal na balotang iniimprenta.

Pero hindi pinayagan si Maglangue na makapasok  sa mismong loob kung saan inimprenta ang balota ngunit ipinasilip naman sa kaniya ang balota sa viewing area ng NPO.

Nakalagay na rin sa balota ang partido ni Senador Santiago na People’s Reform Party sa tabi ng pangalan nito.

Related Post

This website uses cookies.