“Partnership Project” ng DepEd-Davao at ORT Israel, ipinatupad na ngayong pasukan

DAVAO CITY (Eagle News) – Ipinatupad na ang isang partnership project sa pagitan ng Department of Education sa Davao at isang nonprofit organization sa Israel kamakailan.

Sa ilalim ng proyekto sa pagitan ng Dep-Ed Davao at ORT Israel, isang leading educational network para sa science and technology education, mag-aadopt ang ORT Israel ng public high school sa siyudad upang ito ay maging center at role model para sa excellence in technology and methodology.

Bahagi din ng proyekto ang incorporation ng Innovation, Science, Technology, Engineering, Arts, at Mathematics o iSTEAM curriculum.

Kabilang sa mga pilot schools na adopted para sa nasabing proyekto ay ang mga sumusunod;

  • Davao City National High School
  • F. Bangoy National High School
  • Mintal Comprehensive National High School

Ang mga representative naman ng Davao at local DepED ay bumisita na sa ORT Israel Research Center sa Israel noong Abril.

Kabilang sa mga prayoridad ng 10-Point Agenda ni Davao City Mayor Sara Duterte at isa sa mga priority investment areas ng Davao City ay ang edukasyon.

 

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Photo courtesy: City Govt. of Davao

 

This website uses cookies.